Mga Tanong:
1. Sa aling mga paaralan nag-aral si Rizal sa kanyang pagbibinata?
2. Ano ang naging motibo niya sa pag-aaral nang mabuti?
3. Ano ang pinakasukatan niya sa mahusay na pagtuturo?
Babasahin: Kabuluhan ng Pag-aaral tungo sa Mahusay na Paglilingkod
Ang pag-aaral sa antas na primarya (una hanggang ikaapat na baytang) sa elementarya ay nakuha ni Pepe Rizal sa kanyang sariling ina na siyang tumayo bilang pinakaguro niya. Ang katumbas naman ng antas na intermedya (ika-5 at ika-6 na baytang) ay kinuha niya sa paaralan ng niyang tiyo sa kalapit-bayang BiƱan, sakop pa rin ng lalawigang Laguna. Para makapag-aral ng katumbas ng high school natin ngayon, lumipat siya mula sa Laguna patungong Intramuros, Maynila na kinaroroonan ng Ateneo Municipal, isang paaralan ng mga paring Heswita.
Naging kagustuhan ni Pepe ang mag-aral upang matutunan niya sa paglaon ang panggagamot sa mga mata ng kanyang ina, na noo’y nasa pangsnib na mabulag. Sa kagustuhsn niyang maging mahusay na tagapaglingkod sa pamamagitan ng panggagamot, ipinasya ni Pere Rizal na magsipag at magpakahusay sa pag-aaral, bagay na nagustuhsn naman sa kanya ng mga Heswita, na may kahawig na pananaw sa pag-aaral (para matutong talaga at maging mahusay sa paglilingkod. Naging istilo ng mga ito sa pagtuturo ang pagsusulong ng malayang talakayan.. Kaya sa Ateneo ay naging kaibigan ni Pepe ang mga guro niyang Heswita.
Ibang-iba naman ang naging karanasan ni Pepe nang magkolehiyo siya sa Universided de Sto. Tomas. Ang paraan ng pagtuturo sa UST ay nakasentro sa pagmememorya at pagpapairal ng istriktong disiplina.
Sa UST, ang mga paring Dominikano, bilang mga guro ay may paggigiiit na sila lamang ang tama. Walang malayang mga talakayan at pati ang pagkakaroon ng mga instrumentong gaya ng microscope ay pakitang-tao lang at di ipinagamit sa mga mag-aaral. Dahil sa mga kadahilananag ito, hindi nagustuhan ni Pepe Rizal ang pag-aaral niya sa UST, at siya naman ay kanilang pinag-initan.
Ukol naman sa binatilyong si Pepe at ang karanasan sa pag-ibig, naging una niyang pag-ibig si Segundina Katigbak, kaedad siya at may namuong pag-uugnayang “m.u.” sa pagitan nila. Ngunit naipagkasundo na ng mga magulang si Segundina na ipapakasal sa isang mayaman pagdating ng hustong gulang. Ipinasya naman ng dalagita na suwayin ang kasunduan at nagsagawa siya ng pakikipagkalas sa lalaking ipinagkasundo na sa kanya.
Hindi sumang-ayon si Pepe sa ginawang ito ni Segunda dahil pagsuway daw ang ganoon sa magulang at lipunan, kaya’t kahit malaya na ang dalagita ay hindi niya tuluyan itong niligawan. May isa pang pag-ibig sa buhay ni Pepe Rizal sa pananhong iyon.
Nagkagustuhan sila ng isa niyang malayong pinsan na nagngangalang Leonor Rivera. Kahit malapit sila kay Pepe, sa pag-isip na kasalanan ang anumang pag-iibigan ng sinumang magkakamag-anak, kahit malayo na, hinadlangan nila ang pag-uugnayan nina Pepe at Leonor. Kinasapakat pa ng ina ni Leonor ang tagapangasiwa ng koreo sa kanilang bayan upang siya (ang ina) ang makakuha ng anumang liham sa pagitan ni Pepe at Leonor. Paglaon ay sumulat ng mga nobela di Rizal, at ang pangunahing tauhang si Maria Clara ay ibinatay niya sa pagkatao ni Leonor Rivera. Paglaon pa, ipinagkasundo ng ina ni Leonor na maipakasal sa isang dayuhang inhinyero.
Matapos ng pag-aaral sa UST, nagpasya si Rizal na upang maging mahusay na doktor ay kailangn niyang mag-aral sa Europa. Pumayag rito ang kanyang Kuya Paciano ngunit naggiit ito kay Pepe ng isang kasunduang nagsasabing magtutuon sa pag-aaral at pagtataguyod sa interes ng Pilipinas at hindi siya maaaring mag-asawa.
Sumang-ayon sa ganoong ksdunduan si Pepe at biglaang nilalayuan ang mga babaeng napalapit sa kanya sa Europa. Kahit maraming dalaga ang mga napalapit sa kanya at nakagustuhan niya, dahil sa kasunduan ay di niya pinaabot ang mga relasyong ito sa pagtagal at sa pag-aasawa.
No comments:
Post a Comment