Friday, January 7, 2011

Rizal-Module-9 Sansiglong Hinaharap

Mga Tanong (Sagutin matapos mabasa ang module input):
1. Ano ang pangkasaysayang konteksto ng petsa ng pagkakasulat ni Rizal sa sanaysay na ito?
2. Karamihan ba ng mga predictions ni Rizal ay natuloy/nagkatotoo?
3. Ipinapanakot ni Rizal sa pamahalaang Espanyol ang marahas na paghihimagsik ng mga Pilipino; pinaniwalaan na niya, at nangyari nga ba, na kayang matalo ng mga Pilipino sa madugong labanan ang hukbo ng Espanya sa ating kapuluan?
4. Paano pinahalagahan ni Rizal ang kalayaan sa pamamahayag sa sanaysay na ito?
5. Ang mga reporma bang iginigiit ni Rizal sa kanyang sanaysay ay may katuturan pang igiit sa pamahalaan ng Pilipinas sa ngayon?

Datos sa Publikasyon at Nilalaman ng Sanaysay: Inilathala ito sa La Solidaridad sa Espanya mula noong Setyembre 1889 hanggang Pebrero 1990 (huling labas noong Pebrero 1, 1890; ang sagot dito ni Prop. Ed Aurelio C. Reyes, na pinamagatang The Philippines, A Century Thence, ay inilunsad sa Maynila noong Pebrero 1, 1990 o eksaktong 100 taon.)

Ang Tunay na Pamagat nito ay “Filipinas Dentro de Cien AƱos.” Ang tamang salin sa English ng pamagat na iyon sa Espanyol ay “The Philippines, Within a Century”), ngunit ang naging mas laganap na pamagat ng salin sa English ay “The Philippines, A Century Hence.”

Pagbabasa ng Teksto ng buong Sanaysay na “Century Hence”
Paglaanan ng ilang oras, maaaring sa hiwa-hiwalay na araw, na mabasa ang buong teksto ng “The Philippines, A Century Hence” sa wikang English, na nasa http://joserizal.info/Writings/Other/centuryhence.htm.

No comments:

Post a Comment